top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing na rider sugatan sa aksidente

BULGAR
Oct 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 12, 2022


AKLAN—Isang lasing na rider ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa likurang bahagi ng SUV (sports utility vehicle) kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Benedict Imason, 44-anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dahil sa kalasingan ay nawalan umano ng kontrol si Imason sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya bumangga ito sa likurang bahagi ng SUV na minamaneho ng hindi pinangalang driver.


Nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima at sa kasalukuyan ay ginagamot pa siya sa ospital.


Nangako naman ang driver ng SUV na sasagutin niya ang gastos ni Imason sa pagpapagamot sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page