Lasing na rider, naaksidente
@Balitang Probinsiya | February 21, 2022
AKLAN–Isang lasing na rider ang sugatan nang aksidenteng bumangga sa gutter ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Kalibo Bridge sa Numancia.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si JD Jorge Ho, 31-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Ho kaya bumangga ito sa gutter at tumilapon ang biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima na ginagamot na ngayon sa ospital.
Bagama’t nasugatan sa aksidente, ay sasampahan pa rin ng pulisya si Ho ng kasong driving under the influence of liquor.



Comments