top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing na rider, bumangga sa warning device

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 09, 2022

AKLAN–Isang lasing na rider ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa warning device sa Bgy. Tigayon, Kalibo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Vincent Teodosio, 33-anyos at nakatira sa Banga sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, dahil lasing sa alak ay nawalan umano ng kontrol si Teodosio sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa isang warning device sa ginagawang kalsada sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page