top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing na nambato ng van, tiklo

BULGAR
Jul 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 1, 2022


AKLAN—Isang lasing na nambato sa van ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Libertad, Nabas.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Julius Pellado, 22-anyos, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay pinukol ng bato ni Pellado ang windshield ng van na minamaneho ni Minculado Carpio, nasa hustong gulang at tinamaan ng nabasag na salamin ng sasakyan ang dalawang pasahero na sina Regina Coching at isang nagngangalang Mary Jane.


Nabatid na dinala ni Carpio sa ospital ang dalawang pasaherong sugatan at pagkaraan ay nagtungo siya sa pulisya para ireklamo ang suspek.


Nabatid na agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kaya nadakip ang suspek na nahaharap sa iba’t ibang uri ng kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page