top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lasing na nag-amok arestado

  • BULGAR
  • Oct 5, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 5, 2022


BATANGAS—Isang lalaking lasing na nag-amok ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Clara, Batangas City.


Kinilala ang suspek na si Richard Pagcalinawan, 37-anyos at nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, nag-report sa pulisya ang mga residente sa nasabing lugar dahil nagwawala umano ang lasing na si Pagcalinawan habang may hawak na patalim.


Kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek at kinumpiska ang dala nitong patalim.


Nakapiit na ang suspek at nahaharap siya ngayon sa kasong illegal possession of deadly weapon at alarm and scandal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page