top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lasing na kelot nalunod

  • BULGAR
  • May 27, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 27, 2022


QUEZON – Isang lasing na lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Lucena City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Fajarit Gruta, 48-anyos, residente ng Bgy. Cotta sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na huli umanong nakitang buhay si Gruta habang pasuray-suray na naglalakad sa gilid ng ilog sa nasabing lugar.


Ayon sa mga residente, nang makita nilang nawala sa gilid ng ilog si Gruta ay agad nila itong pinuntahan, pero hindi nila nakita ang biktima.


Napag-alaman na matapos ang ilang oras ay lumutang ang bangkay ng biktima sa naturang ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page