top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lasing dedbol sa shotgun

BULGAR
Dec 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 11, 2022


BATAAN—Isang lasing ang binaril ng shotgun at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Tabing-Ilog, Bagac.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng sharpnels sa katawan ay nakilalang si Rudy Magtanong, samantalang ang suspek ay si Romulo Perez, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Magtanong at Perez na humantong para kumuha ng shotggun ang suspek at binaril ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nabatid na agad nadakip ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page