top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lasing dedbol sa shotgun

BULGAR
Oct 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 6, 2022


PALAWAN—Isang lasing ang namatay nang barilin ng shotgun ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Culandalum, Bataraza.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Belmonte Ubogan, 26-anyos, samantalang ang suspek ay si William Suprecencia, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Ubogan at Suprecencia kaya binaril ng shotgun ng suspek ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka sumuko sa pulisya ang suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page