Lasing bumangga sa nakaparadang kotse
@Balitang Probinsiya | June 10, 2022
AKLAN–Sugatan ang lasing na driver nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang Sports Utility Vehicle (SUV) sa nakaparadang kotse kamakalawa sa Bgy. Buswang, Kalibo.
Ang sugatang driver ay kinilala ng pulisya na si Arly Relator, 30-anyos, nakatira sa Balete sa nabanggit na lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Relator kaya bumangga ito nakaparadang kotse.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan si Relator.
Samantala, agad namang dinala ng mga saksi si Relator sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot at nabatid na sasampahan siya ng pulisya ng kasong driving under the influence of liquor at damage to property.



Comments