top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Laborer, todas sa balon

  • BULGAR
  • Jun 19, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 19, 2022


BATANGAS–Patay ang isang laborer nang aksidenteng mahulog sa hinuhukay na balon kamakalawa sa Bgy. Balakilong, Laurel.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Richard Balingway, 55-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng balanse si Balingway habang naghuhukay kaya nahulog ito sa balon.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo ang biktima dahil sa pagkakahulog sa balon.


Bagama’t agad sumaklolo ang mga residente at dinala ang biktima sa ospital, idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page