- BULGAR
Laborer, tinodas ng utol
@Balitang Probinsiya | July 03, 2022
BATANGAS—Isang laborer ang namatay nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Balintawak, Lipa City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Lahara, 26-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Marlon, 25-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nahaharap si Marlon sa kasong parricide.