top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer tinodas ng mga kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 15, 2023


QUEZON—Isang laborer ang pinatay ng kanyang mga kainuman, kamakalawa sa Bgy. Magsaysay, Infanta sa lalawigang ito.


Nakilala ang biktima na si Alex Resgonio, 48, samantalang ang mga suspek ay sina Dudz Delloso, Aren Mustasa, Jomer Astoveza at Noel Gulod, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo si Resgonio at mga suspek hanggang pagtulungang sakalin at bigtiin ng electric wire ng mga salarin ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay agad tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page