top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laborer, tinodas ng lolo

BULGAR
Jul 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 10, 2022


MASBATE—Isang 47-anyos na laborer ang namatay nang paluin ng martilyo sa ulo ng nakaalitan niyang lolo kamakalawa sa Bgy. Guinhadap, Monreal.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng malaking sugat sa ulo na si Jojit Soriano, samantalang ang suspek ay si Francisco Rejuso, 72-anyos, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa paluin ni Rejuso ng martilyo sa ulo si Soriano.


Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Soriano sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page