top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Laborer, tinodas ng kainumang bagets

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 23, 2021



ISABELA—Patay ang 23-anyos na laborer nang saksakin kanyang kainumang binatilyo kamakalawa sa Bgy. Marabulig 1, Cauayan City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Tabo, samantalang ang suspek ay itinago sa pangalang “Totoy”, 17-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina “Tabo” at “Totoy” ay nagkaroon sila nang pagtatalo kaya sinaksak ng suspek sa dibdib ang biktima.


Kaagad dinala ng mga residente si Tabo sa ospital, pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.


Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page