top of page
Search
  • BULGAR

Laborer tinodas ng kaalitan

@Balitang Probinsiya | August 12, 2022


AKLAN—Patay ang isang laborer nang saksakin ng kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Junrel Arias, samantalang ang suspek ay si Rickyly Lubrique, kapwa nasa hustong gulang at parehong construction worker sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng salarin sa biktima.


Dinala pa ng mga saksi si Arias sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kaagad namang nadakip ng rumespondeng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page