top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laborer tinaga ng katoma

BULGAR
May 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 30, 2022


AKLAN – Isang 44-anyos na laborer ang sugatan nang tagain ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Arcanghel, Balete sa sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Gary delos Reyes, samantalang ang suspek ay si Ademat Teodosio, 50-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Delos Reyes at Teodosio habang nag-iinuman na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang biktima.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong atempted murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page