top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laborer tinaga ng kapitbahay

BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 28, 2022

CAMARINES SUR—Sugatan ang 38-anyos na laborer nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Caranan, Pasacao.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tama ng taga sa katawan na si Dennis Ador samantalang ang suspek ay si Marlon Ramos, 41-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Ador at Ramos na humantong para tagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga rumespondeng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang biktima.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong attempted murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page