top of page
Search
  • BULGAR

Laborer timbog sa rape

@Balitang Probinsiya | June 3, 2022


CAMARINES NORTE–Isang laborer na gumahasa sa kanyang menor-de-edad na pamangking babae ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Talobatib, Labo.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek upang maitago ang pagkakakilanlan ng biktimang ginahasa nito.


Nabatid na madalas umanong gahasain ng suspek ang biktima at dahil hindi na maitiis ng batang babae ang panggagahasa sa kanya ay nagreklamo na ito sa pulisya laban sa kanyang tiyuhin.


Dahil dito, agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page