Laborer timbog sa buy-bust
- BULGAR
- Jan 15, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 15, 2023
ALBAY—Isang laborer na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sto, Cristo, Tabaco City.
Ang suspek ay itinago muna sa pangalang "Warren", nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si "Warren" ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.7 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments