Laborer tiklo sa boga sa dance party
@Balitang Probinsiya | November 28, 2022
AKLAN—Isang laborer ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa dance party sa Bgy. Sugnod, Malinao.
Ang suspek ay nakilalang si Rino Millo, 41-anyos at residente sa nasabing barangay.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nakasukbit na baril si Millo habang nasa dance party, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek na nakumpiskahan ng .38 revolver at mga bala.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments