Laborer, tepok sa ligaw na bala
- BULGAR
- Jun 26, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 26, 2022
ALBAY—Patay ang laborer nang tamaan ng ligaw na bala sa naganap na engkwentro sa pagitan ng pulisya at mga armadong kalalakihan kamakalawa sa Bgy. Bariw, Libon.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jerico Robrigado, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, isang bahay ang sinakalay ng mga awtoridad sa naturang barangay dahil sa ulat na may armadong kalalakihan dito at sa lugar na ito ay nadakip ang isang ‘Edgardo Secretario’, pero ang mga kasamahan nito’y nanlaban at nagpaputok ng baril kaya tinamaan ng ligaw na bala si Robrigado.
Nang gumanti ng putok ang mga awtoridad ay mabilis na tumakas ang mga kasamahan ni Secretario.
Nabatid na dinala ng mga awtoridad si Robrigado sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments