Laborer, sinaksak ng utol
@Balitang Probinsiya | July 23, 2023
ILOILO—Isang 38-anyos na laborer ang sugatan nang pagsasaksakin ng kanyang nakakatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Jibolo, Janiuay sa lalawigang io.
Kinilala ang biktima na si Lorejun Aranador, samantalang ang suspek ay ang kuya nito na si Leopoldo Aranador, 39, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito dahil sa tinamong tatlong tama ng saksak sa katawan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong attempted parricide.



Comments