top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Laborer, sinaksak ng utol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 25, 2023


AKLAN—Isang laborer ang sugatan nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Cortes, Balete sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng saksak sa dibdib at kanang kamay na si Dentor Billiones, 54-anyos, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaksak sa kanyang kapatid ay agad tumakas ang suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong frustrated parricide, samantalang inoobserahan pa sa pagamutan ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page