top of page
Search
  • BULGAR

Laborer, sinaksak ng kainuman

@Balitang Probinsiya | July 13, 2022


BATANGAS—Isang laborer ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. San Lucas, Lipa City.


Ang biktima ay nakilalang si Jayar Amatorio, 32-anyos, samantalang ang suspek ay si Jerico Dator, 24-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nang malasing umano sa inuman ay naging makulit na si Dator, kaya nagkaroon sila ng pagtatalo ng kainuman niyang si Amatorio na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima sa iba't ibang parte ng katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi si Amatorio sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page