Laborer, sinaksak ng kainuman
@Balitang Probinsiya | February 06, 2022
NUEVA VIZCAYA–Sugatan ang 38-anyos na laborer nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa bayan ng Aritao.
Ang biktima na nagtamo ng tig-isang saksak sa katawan at leeg ay nakilalang si Melchor Felix, samantalang ang suspek ay si Orlando Soriano, nasa hustong gulang, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Felix at Soriano nang magkaroon ng pagtatalo na humantong para magbasag ng bote ng alak ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Felix sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments