Laborer, sinaksak ng basag na bote
@Balitang Probinsiya | June 15, 2022
AKLAN–Nasa kritikal na kalagayan ang laborer nang saksakin ng basag na bote ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Ang biktima ay nakilalang si Angrian Lanas, 38-anyos, samantalang ang suspek ay si Daniel Jongay, 19-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ang dalawa ay nagkaroon sila ng pagtatalo kaya nagbasag ng bote si Jingay at sinaksak sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga residente si Lanas sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments