top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer patay, kaibigan sugatan sa pananaksak

BULGAR
Dec 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 27, 2022


PALAWAN—Isang 54-anyos na laborer ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang saksakin sila ng kanilang mga kaalitan kamakalawa sa Bgy. Matahimik, Puerto Princesa City.


Ang nasawi ay nakilalang si Bonifacio Dadivas, samantalang ang sugatan ay si Wilmar Lucay-Lucay, nasa hustong gulang, kapwa residente sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Dadivas at kakuwentuhan ang kaibigan niyang si Lucay-Lucay ay biglang pumasok ang tatlong suspek na nakilala lang sa mga alyas na Evan, Wen at Mark, pawang nasa hustong gulang at agad pinagsasaksak sa katawan ang dalawang biktima.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek, samantalang dinala ng mga residente ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Dadivas.


Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page