top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laborer natagpuang patay sa sementeryo

BULGAR
Sep 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 12, 2022


RIZAL—Isang laborer ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng public cemetery sa Bgy. Sta. Ana, San Mateo.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jayson Honorio, 22-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.


May hinala ang mga awtoridad na mahigit sa isang ang pumatay sa biktima dahil sa dami ng saksak na tinamo nito sa katawan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page