Laborer natabunan ng lupa, tepok
@Balitang Probinsiya | June 29, 2022
CAPIZ—Patay ang 27-anyos na laborer nang matabunan ng gumuhong lupa kamakalawa sa Bgy. Cogon, Panitan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rodel Delfano, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang may ginagawa si Delfano malapit sa pader ng bahay ay biglang gumuho ang lupa sa kinatatayuan nito.
Napag-alamang agad sumaklolo ang mga residente, pero mahigit isang oras bago nila nailabas ang biktima sa lupang tumabon dito.
Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments