top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Laborer nanghalay ng pamangkin, nasakote

BULGAR
Nov 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 11, 2022


CAMARINES NORTE—Isang 32-anyos na laborer na gumawa ng kahalayan sa kanyang pamangkin na dalagita ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Capalonga.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan.


Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness at child abuse.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan ng suspek, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad dahilan upang maaresto ito.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page