Laborer nalunod sa manhole
@Balitang Probinsiya | October 15, 2022
PALAWAN—Isang 44-anyos na laborer ang namatay nang malunod sa manhole ng Bgy. Rio Tuba, Bataraza.
Ang biktima ay nakilalang si Michael Seco, residente ng Palompon, Leyte.
Ayon sa ulat, habang nasa barge si Seco ay nadulas ito sa manhole na may malalim na tubig.
Nabatid na tinangka ng mga kasamahan niya sa trabaho na saklolohan si Seco, pero hindi agad ito naiahon sa manhole.
Napag-alamang makalipas ang ilang oras ay naiahon din si Seco sa manhole, at dinala ito sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments