Laborer nakuryente, kritikal
@Balitang Probinsiya | October 9, 2022
AKLAN—Isang laborer ang kritikal nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Mambog, Banga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Paul Villas, 24-anyos, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang may ginagawa sa construction site si Villas ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Villas sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.



Comments