Laborer kritikal sa hampas ng tubo sa ulo
@Balitang Probinsiya | October 8, 2022
AKLAN—Isang 41-anyos na laborer ang nasa kritikal na kalagayan nang hampasin ng tubo sa ulo ng kanyang pamangkin kamakalawa sa Bgy. Pudiot, Tangalan.
Ang biktima ay nakilalang si Ron Taladtad, samantalang ang suspek ay ang pamangkin niyang si Niño Taladtad, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo sina Ron at Niño na humantong para kumuha ng tubo at pinalo ng suspek ang ulo ng biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Ron sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments