Laborer binugbog ng 3 tambay
@Balitang Probinsiya | October 5, 2022
AKLAN—Isang laborer ang sugatan nang bugbugin ng tatlong hindi kilalang istambay kamakalawa sa Bgy. Rosario, Malinao.
Ang biktima na nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan ay nakilalang si Rommel Imaculata, 39-anyos, at nakatira sa Bgy. Bulabod sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, bumibili lang umano ng sigarilyo si Imaculata sa sari-sari store sa nabanggit na lugar nang bigla siyang bugbugin ng tatlong suspek na naka-istambay sa naturang tindahan.
Matapos ang pambubugbog sa biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.



Comments