top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kubo natupok ng apoy sa natumbang kandila

BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 26, 2022


ALBAY—Isang bahay-kubo ang tinupok ng apoy dahil sa natumbang kandila kamakalawa sa Bgy. Busay, Ligao City.


Ang nasunog na bahay ay pag-aari ng pamilya Sabili na pawang residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Savili kaya agad tumawag sila ng bumbero.


Napag-alamang nakaresponde agad ang mga bumbero kaya hindi na nadamay pang masunog ang ibang kabahayan sa naturang barangay.


Nabatid na walang tao nang maganap ang sunog sa bahay ng pamilya Sabili, at base sa imbestigasyon ay isang may sinding kandila na natumba ang sanhi ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page