top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kotse bumangga sa pader, driver kritikal

BULGAR
Aug 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 1, 2022


AKLAN—Isang driver ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga sa pader ang minamaneho niyang kotse kamakalawa sa Bgy. Linabuan Norte, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Erick Taroza, nasa hustong edad at residente Bgy. Andagao sa nabanggit na bayam.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Taroza kaya bumangga ang minamaneho nitong kotse sa pader.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa pader ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at ngayon ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page