top of page
Search
  • BULGAR

Kostumer, binoga ng technician

@Balitang Probinsiya | January 18, 2022


PALAWAN–Isang lalaking kostumer ang binaril ng cellphone technician dahil sa sirang cellphone kamakalawa sa Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Charlie Loterte, 29-anyos, samantalang ang suspek ay si Johnrey Rosiana, 23-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, binentahan ni Rosiana ng cellphone si Loterte, pero pagkalipas ng ilang araw ay tinatawagan ng biktima ang suspek na isosoli ito dahil umano maraming sira.


Nabatid na nagkasundo sina Loterte at Rosiana na magkita sa nasabing lugar para isauli ang cellphone, pero habang papalit ang biktima ay bigla itong pinagbabaril ng suspek at pagkaraan at mabilis na tumakas ang cellphone technician.


Napag-alamang pinalad na hindi tinamaan ng bala si Loterte, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page