top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kontrobersiyal na Anti-Terror Act, ipaunawa ang buong nilalaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2020
  • 1 min read

@Editorial | July 5, 2020



Sa kabila ng mga batikos, pangamba at panawagang ibasura, tuluyan nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terror Bill.


Layon ng Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020” na mabigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya kontra terorismo at ang mga iniuugnay na aktibidad dito tulad ng kidnapping at bombing operations.


Una nang nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo na inaagaw umano ng Ehekutibo ang kapangyarihan ng mga korte. Anila, maaaring magamit ang batas laban sa mga kritiko ng administrasyon. Kumbaga, isang bagong sandata ng gobyerno na tutugis sa mga kaaway.


May mga nagsasabing ang ganitong uri ng batas ay hindi makatuwiran at naghahasik ng takot sa taumbayan.


Kaya ang panawagan kay Pangulong Duterte at sa mga tagapagpatupad ng batas, ngayon palang ay ipaunawa na sa taumbayan ang lahat ng nilalaman ng Anti-Terror Act.


Bagama’t, wala naman nang magagawa dahil pirmado na, kahit man lang ang pagbibigay ng kasiguruhan sa publiko na walang maaabuso ay sapat na.


Madalas ay ito ang problema sa mga isininusulong na panukalang-batas, hindi naipaliliwanag nang husto ang bawat nilalaman. Ang nangyayari ay hinihimay ito ng kung sinu-sino na halatang may ibang interes kaya lalong naguguluhan ang publiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page