top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Konduktor tepok sa mga armado

BULGAR
May 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 27, 2022


NORTH COTABATO – Isang konduktor ang namatay at sugatan naman ang isang driver nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa bus terminal sa bayan ng Kabacan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Eliezer Inggay, 40-anyos, samantalang ang sugatan ay si Crisanto Cuesta, 42, kapwa tubong Bukidnon.


Ayon sa ulat, papasakay na sa bus sina Inggay at Cuesta para bumiyahe nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page