- BULGAR
Komunista, todas sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | July 15, 2022
SULTAN KUDARAT—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Tibuhol, Palimbang.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na komunista na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Nabatid na nagpapatrulya umano ang tauhan ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga komunista.
Napag-alamang nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang NPA.
Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng pulisya at iba pang tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na komunista.