top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kolong-kolong vs. trak, 1 sugatan

BULGAR
May 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 16, 2022


AKLAN – Isang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng mabangga ng isang trak ang minamaneho nitong kolong-kolong kamakalawa sa Bgy. Aranas, Balete sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga biktimang si Jeric Arsola, 30-anyos, nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Joselito Lorenzo, nasa hustong gulang, kaya aksidenteng nabangga ang kolong-kolong na kinalululanan ng biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan na siyang ginagamot.

Nahaharap ngayon ang driver ng trak sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page