top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kolehiyala ginilitan sa leeg

BULGAR
Jun 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 9, 2022


ALBAY--Isang 22-anyos na kolehiyala na ginilitan sa leeg ang natagpuang patay kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. Hindi, Bacacay.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rhea Boneo, nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima sa nabanggit na lugar.


Ayon sa ulat, lumabas ng bahay si Boneo para magpa-cash-out sa GCash, pero hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay hanggang matagpuan ang bangkay nito sa talahiban.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page