top of page

Killer sumurender

  • BULGAR
  • May 21, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 21, 2022


AKLAN – Isang killer ang sumuko kamakalawa sa mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Kalibo sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si John Colas, 25, binata at residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kusang sumuko sa pulisya si Colas at inamin na siya ang sumaksak at pumatay sa biktimang si Romel Aros sa naturang barangay.


Sinabi ni Colas na habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay ay nakasalubong niya ang lasing na si Aros at bigla umano siyang binatukan.


Ayon kay Colas, sa tindi ng kanyang galit sa ginawang pambabatok sa kanya kaya naglabas siya ng patalim at sinaksak hanggang mapatay ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page