Kilabot na holdaper natimbog
@Balitang Probinsiya | May 18, 2022
PALAWAN – Isang kilabot na holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Harvey Balanza, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, si Balanza ang suspek sa mga sunud-sunod na holdapan sa nasabing lungsod.
Nabatid na naglunsad ng manhunt operation ang pulisya laban kay Balanza hanggang madakip ang suspek kamakalawa.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong robbery.



Comments