Kilabot na holdaper arestado
@Balitang Probinsiya | November 6, 2022
ILOILO—Isang kilabot na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Jaro.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jay Tajuela, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, si Tajuela ang suspek na nangholdap sa isang kahera ng convinience store sa naturang bayan.
Nabatid na matapos ang panghoholdap ay agad naglunsad ng manhunt operation ang pulisya laban kay Tajuela hanggang madakip ang suspek kamakalawa.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong robbery.



Comments