Kelot, todas sa motorsiklo
@Balitang Probinsiya | January 17, 2022
RIZAL--Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Juan, Cainta. Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Cesar Ogario, nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Jesson Caliao kaya aksidenteng nabangga nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong malaking pinsala sa ulo na nabagok sa kalsada dulot sa naganap na aksidente.
Nahaharap si Caliao sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments