Kelot, tinodas ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | March 14, 2021
ILOCOS SUR—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa tapat ng kanilang bahay sa Bgy. Sapriana, Sinait.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jay-ar Salcedo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakaupo umano si Salcedo sa tapat ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril
Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments