top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot, tinodas sa harap ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 23, 2020



MASBATE—Isang 30-anyos na binata ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa harap ng kanilang bahay sa Bgy. Tinago, Aroroy.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ryan Luslistica, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nakatayo si Luslistica sa harap ng kanilang bahay ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page