top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot tinodas sa bahay

BULGAR
May 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 12, 2022


QUEZON – Isang lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Camflora Sinturisan, San Antonio sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ryan Mendoza, samantalang ang suspek ay si Edwin Masilungan, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Mendoza ay biglang pumasok ang suspek at pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspek.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip si Masilungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page