top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kelot, tinodas ng parak sa resto bar

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 09, 2022


LAGUNA–Isang lalaki ang binaril at napatay ng pulis kamakalawa sa loob ng resto bar kamakalawa sa Cabuyao City.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo na si Bryan Perez, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod, samantalang kusa namang sumuko sa kapwa niya pulis ang suspek na si P/Cpl. Kirk Ilagan, nakatalaga sa Cabuyao City Police Station.


Nabatid na magkabilang grupo na nag-iinuman sina Perez at Ilagan sa resto bar at natiyempo na magkasabay silang nagtungo sa comfort room para umihi.


Ayon sa ulat, sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa sa comfort room.


Matapos ang pagtatalo ay bumalik si Perez sa kanyang grupo, pero sinundan siya ni Ilagan at agad binaril na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page